Welcome to my newest blog! I'm gonna post here all the things that are running through my mind and let you read them all... I hope you like my ideas and i expect your comments on them.

Monday, October 30, 2006

Ang Karunungan

Sapat na ba para sa iyo ang agham?
Marahil, ang sagot mo sa pambungad na tanong ay napalaking Oo dahil ang mga produkto nito ang naglalaba ng iyong mga damit, nagpapalamig sa iyong kwarto, nakapagbibigay ng aliw at kasiyahan, hinahayaan kang makipag-usap sa taong nasa ibang lugar, nakapagpapatagal ng buhay ng iyong mga pagkain, nakatutulong sa iyong bumiyahe nang mabilis sa malalayong pook, nakapagpapagaling sa iyong mga karamdaman at napakarami pang iba. Ngunit iyon lang ba ang ibig sabihin sa iyo ng siyensya?
Hindi maitatangging ang siyensya ay ubod ng lawak na disiplina kung kaya’t maraming nagbibigay-kahulugan dito. Ang mga diksyunaryo, ensayklopedya maging ang internet ay nagkakaisa sa iisang depinisyon nito. Ang siyensya ay isang organisado at sistematikong kaalaman na nilikom nang napakatagal na panahon upang maipaliwanag ang ginagalawan nating mundo at bilang isang batayan ng katotohanan.
Napakakomplikado hindi ba? Kung titingnan at babasahin nang pahapyaw, animo’y ito na ang gamot sa lahat ng suliranin ng ating bansa at ng ating daigdig. Sagot sa kahirapan, sa kawalan ng trabaho, at sa mga malulubhang sakit…
Isang dahilan kung bakit ganoon ang naging katuturan ng salitang siyensya dahil ito ay hango sa salitang Latin na “scientia” na katumbas ng karunungan o kaalaman. Dagdag pa rito, ang nasabing pinaghanguan ng salita ay mula sa pandiwang “scire” na nangangahulugang “alamin.”
Dahil nga sinabing ang salitang siyensya ay kasingkahulugan ng kaalaman, ito ay sinasabing sagot sa mga tanong, eksplenasyon sa mga pangyayari sa mundo, solusyon sa mga problema, at basehan ng katotohanan.
Ayon kay Prof. Perry Ong, ang siyensya ay tungkol sa kung paano nalikom o nakuha ang kaalaman at hindi sa akto ng pangangalap ng mga tunay na pangyayari. Ito rin ay tungkol sa pagpoproseso ng mga impormasyon. Malinaw na ipinahihiwatig na mas importanteng malaman kung paano nakakalap at pinoproseso ang mga pangyayari at iba pang impormasyon kaysa mismong akto.
Sa kabilang banda, mayroon ding tinatawag na “Non-Science” o hindi agham. Ang siyensya para maging totoong siyensya ay kailangang paulit-ulit na patunayan at kapag sa ilang beses ng pag-eeksperimento ay pare-pareho lang ang kinahihinatnan, ito ay maituturing na agham. Ang “non-science” ay ang kabaligtaran nito.Kung isang beses lang napatunayan at sa ilang eksperimento iba ang naging resulta, ito ay hindi agaham.
Hindi lang iyan. Ngayon ay tinatawag nang “Pseudoscience” o pekeng agham. Ito ay hindi talaga agham ngunit gumagamit ito ng lenggwahe o kaanyuan ng siyensya upang mangumbinsi, manlito o manloko ng tao na ang isang bagay ay siyentipikong balido. Kapag ito ay isinailalim sa pag-aaral o eksperimento, mapapatunayang peke ito. Ang halimbawang talamak na talamak ay ang mga komersyal ng sabon, gamut, shampoo at kauri nito. Napapansin niyo ba na gumagamit sila ng testimonya mula sa mga doctor o nagdodoktor-doktoran. Madalas marinig ang mga katagang ito “9 out of 10 doctors recommend Brand X.” Ito ay mga half-lies. (Ong, 2005)
Tulad ng nabanggit na, may eksperimentong isinasagawa upang mapatunayan o mapasubalian ang isang bagay. Ito ay nasa ilalim ng siyentipikong metodolohiya. Ang una ninyong impresyon, malamang, ay ang mga dalubhasa lamang ang gumagamit nito upang makapag-eksperimento ng mga kemikal o dili kaya’y makagawa ng bagong imbensyon. Pwes, dyan ka nagkakamali. Kahit pagtawid mo sa kalye ay gumagamit ka ng kaparaanang ito. Lamang ay hindi mo na kailangang isa-isahin ang mga obserbasyon, mga katanungan, haypotesis at kung anu-ano pa. Hindi ba’t pag tumatawid ka sa kalsada, uunahin mong tingnan ang mga sasakyan sa kaliwa’t kanan? Ito ay isang obserbasyon na. Pagkatapos ay iisipin mo kung paano ka tatawid at kung kailan. Kapag madalang na ang mga behikulo at saka ka palang tatawid upang maiwasan ang disgrasya. Napakasimpleng bagay ngunit ‘di mo lang naalintanang ginamitan mo na pala iyon ng siyentipikong metodolohiya. Ngayo’y alam mo nang hindi lang mga siyentista ang gumagamit nito, ang ordinaryong tao’y ginagawang parte rin ito ng kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
Sa pamamagitan ng nasabing metodolohiya, nabatid na mayroong tiyak na sanhi ang mga pangyayaring nagaganap sa ating mundo. Mayroon ding mga pattern ang maaaring magamit upang maipaliwanag ang mga nagaganap sa kapaligiran at ang mga paulit-ulit lang na mga okurensiya ay malamang sa malamang na may parehong sanhi. Dagdag pa rito, kung anuman ang nakikita ng mga mata ng isang tao ay nakikita rin nang sa iba. Ang mga ito ay magagamit din sa iba’t ibang phenomenon.
At ngayo’y babalikan ko ang pambungad na tanong, “Sapat na ba sa’yo ang agham?” Ang dapat na sagot dito ay hindi. Tulad ng karamihan, bagay man o tao, ang agham ay may tiyak na limitasyon din. Ang siyensya ay hindi isang gamot na lahat ng sakit ay maaaring malunasan. May mga tanging pangyayari, karamdaman, at eksitensya na hindi kayang bigyan ng kahulugan ng agham. Para mas lalong maintindihan, narito ang ilang halimbawa.
Hindi maipaliwanag ng agham kung ano mayroon sa utak ng tao, kung bakit ito nagiging mahusay na pintor, kompositor o di kaya isang makata, gayundin kung bakit niya mahal ang Diyos, itinatakwil ang kasamaan, bakit may puso para sa mahihirap o bakit siya humahanga sa paglubog ng araw. (Abesamis, 2001)
Ang bangungot na kinamatay umano ni Rico Yan ay hindi rin lubusang masabi ng
Siyensya kung bakit at paano ito nagaganap at ang masaklap pa nito kung bakit ito humahantong sa kamatayan.
Isa pang konkretong halimbawa ay ang mga taon, may malulubhang kanser na biglang gumagaling at hindi nag-iiwan ng kahit anong bakas ng sakit. Nalathala na ang mga ito sa dyaryo at nabalita na rin sa telebisyon. May mga ganitong pangyayari rin sa Lourdes sa Timog France. Hindi pa rin kayang ipaliwanag ito. (Abesamis, 2001)
Maliwanag na ang siyensya ay napakalawak na kaalaman. Masasagot nito ang lebisyon. May mga ganitong pangyayari rin sa Lourdes sao, ang agham ay may tiyak na limitasyon din. Ang siyensya ay hindi isang gamot y mamga tanong mo kung bakit sumisikat ang araw sa silangan at lumulubog sa kanluran, kung bakit may El Niño at La Niña, kung bakit halos wala nang buhay sa Ilog Pasig, kung bakit nagkakaroon ng sipon, ubo, o lagnat ang isang tao at napakarami pa. Pero maliwanag din na hindi lahat ng mga bumabagabag na katanungan sa isip mo ay nasa libro, ensayklopedia o sa internet. Kung gayon, pinapatunayan lamang na di pa sapat ang agham hangga’t may mga kwestiyon tulad ng kung bakit may mga sakit na di pa rin kayang pagalingin ng mga kasalukuyang gamot na mabibili sa botika at ng marami pang iba.
Sa ngayon, hanggang dito ang hangganan ng agham. Malay natin, ang mga kaalamang pinaniniwalaan natin sa ngayon ay maaaring pasubalian dalawampu o tatlumpung taon mula ngayon. Ito ay sa kadahilanang ang agham ay isang patuloy na proseso.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home