Welcome to my newest blog! I'm gonna post here all the things that are running through my mind and let you read them all... I hope you like my ideas and i expect your comments on them.

Monday, October 30, 2006

Bukang - Liwayway

* Naalala mo pa ba sina Basilio, Isagani, Maria Clara, o kaya'y si Simoun? Natatandaan mo pa bang bitin ang huling kabanata ng El Filibusterismo ni Rizal? Heto ang aking sariling bersyon ng pagtatapos sa El Fili.
Habang nagmamasid si Basilio sa harap ng pinagdarausan ng piging, nakita niyang papalapit ang kanyang kabungguang-balikat. Makikita sa mga mata ni Isagani ang matinding kalungkutang nararamdaman niya at ang pagkasabik na makita ang kanyang iniirog. Dahil dito, nagpumilit siyang pumasok ngunit sa kasamaang-palad ay hindi siya pinahintulutan tulad ni Basilio. Namataan kasi ang binata ni Juanito at inutos sa mga guardia civil na harangin ito. Anumang pilit ni Isaganing pumasok, dahil binanggit na ng kanyang kaibigan na ilang minuto na lamang ay sasabog na ang bahay, ay hindi umubra.
Nakarinig ang taga-Ateneo ng pagdating ng isang karwahe. Nagbalik si Simoun. Sa isang kisap-mata, nagbago ang timpla ng mukha ni Isagani. Isang Apollo ang gustong bumulalas sa kanyang katauhan. Nilapitan niya ito na nakaakma na ang kanyang kamao na anumang oras ay maaaring ibaon ito sa mukha ng anino ng heneral. Biglang nawala sa eksena ang anak ng namatay na baliw.
“Napakawalang-hiya mo! Ang lakas ng loob mong magpunta rito. Para ano? Upang masaksihan ng dalawang mata mo ang pagtilapon ng mga parte ng katawan ng mga nasa pista? Waka kang awa! Ngayo’y naroroon ang pinakamamahal kong babae – si Paulita! Wala akong magawa upang iligtas siya,” ang naghihimutok na paninisi ni Isagani. Hindi pa niya natapos ang kanyang sasabihin sa karimarimarim na Dakilang Itim dahil naganap na ang nakabibinging pagsabog ng kabahayan….
“Paulita! Paulita! Hindi! Paulita, huwag mo akong iwan!” paulit-ulit na sinasambit ng binatang nakalupasay sa lupa at parang gripo ang kanyang mga matang walang tigil sa pagluha. Samantala, si Simoun nama’y tumalikod na mababakas sa kanyang mukha ang kagalakan dahil naipaghiganti na niya ang mga api.
Sa sobrang paghihinagpis ng binata, tumungo ito sa may ilog na kanugnog lamang ng bahay. Animo’y nakikipag-usap siya sa hangin at namamaalam na. Nais niyang makasama ang kanyang iniibig sa kabilang buhay. Di kaginsa-ginsa’y may narinig siyang sigaw. “Isagani, hindi mo dapat ituloy iyan. Buhay ako. Buhay na buhay!” Napalingon ang binata. Bumulaga sa kanyang mata si Paulita kasama ni Basilio. Kapwa basing-basa ang kanilang mga kasuotan. Bumaha na ng luha sa pagsisimula ng pag-uulayaw ng dalawa.
“Basilio!” Nagulantang na lang sila nang nakita nilang ang nagsalita ay si Simoun. “Patawarin mo ‘ko, Isagani, Paulita at Basilio…” ani ng anino ng heneral. “Batid kong napakasama nito pero mas masama pa rito ang mangyayari kung patuloy pang mabubuhaya ang mga nagpapahirap sa ating bansa.”
“Pagkatapos ho ng lahat ng ito, ibig ko nang bumalik sa San Diego. Gusto kong dumako sa kagubatan at makapiling ang aking ina. Nais ko na ring tuparin ang mga pangarap ko kahit nasa kabilang buhay na si Juli,” sagot ni Basilio na pinakinggan din ng mag-irog.
Kinabukasan, agaran silang nagtungo sa kagubatan. Palaho na ang kanilang mga anino nang nakarating sila roon. Tumulong mag-ayos ng libingan ang kanyang katotong si Isagani at si Paulita na kahit noo’y may pandidiri ito sa mga madadamong lugar. Malapit na silang matapos sa gawain nang umalingawngaw ang tinig ng dawalang tao. Nakilala nila ang isa – si Simoun. Hinanap ni Basilio kung saan sila naroroon. Tumambad sa kanyang paningin si Placido Penitente, ang estudyanteng tigib ng paghihiganti at poot ang kalooban sa mga prayle.
“O aming Maylikha! Kayo na po ang gumabay sa isa na namang bukang-liwayway na maglalakbay sa salasalabat na kakahuyan. Mahirap pakupasin ang mga pagkabigo at kaapihan ng kahapon ngunit nasa inyo nang desisyon kung Inyong pahihintulutang magsindi ang mitsa o aapulain ninyo ito sa pagkakabatid na hanay ng kabaong ang magiging bunga nito.”

0 Comments:

Post a Comment

<< Home